RTI INTERNATIONAL
Ang gabay ng guro sa malayuang pagkatuto ay isang makabuluhang hakbang upang matulungan ang mga mag-aaral sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.
2020 · 40 pages

Abstract
Higit sa 91% ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral sa buong mundo ang naapektuhan, ayon sa UNESCO. Upang masiguro na bawat mag-aaral ay magkaroon ng pantay-pantay na pagtaggap sa de kalidad na edukasyon, ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay kailangang magkaroon ng isang makatotohanang at makabuluhang plano. Ang mga guro ay may mahalagang gawain sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng malayuang pagkatuto. Ito ay tulungan ang mga mag-aaral na makayanan at maunawaan ang kawalan ng katiyakan dulot ng pandemya, at hikayatin ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng pagsasara ng mga paaralan. Ang gabay na ito ay para sa mga gurong kailangang ipagpatuloy ang suporta sa mga mag-aaral habang ang pisikal na pagpunta sa mga paaralan ay ganap o bahagyang ipinagbabawal. Ang layunin ng gabay na ito ay upang gabayan sa paggawa ng desisyon sa mabilis na pagsisimula at patuloy na pagkatuto. Hindi ito naglalayong palitan ng gabay na ito ang anumang opisyal na gabay mula sa pambansa o lokal na pamahalaan. Ang mga guro ay kailangang makatotohanan at makabuluhang magpasya sa pagsusukat ng mga kahihinatnan ng kanilang mga plano, at hindi magdulot ng pagkabalisa sa mga mag-aaral at sa kanilang pamilya. Ang mga pangunahing gawain sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng malayuang pagkatuto ay ang pagtatanong sa sarili, pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan sa awtoridad sa edukasyon, at pagpapalawak ng kaalaman. Ang mga guro ay kailangang makipag-ugnayan sa inyong awtoridad sa edukasyon sa kung ano ang pinaka-angkop na kaalaman ang dapat saklawin, at siguraduhing nakaagapay sa anumang pagbabago sa kurikulum, patakaran o direktiba.
Connected topics
Classification